Ang mga kurso namin, na ibinibigay sa sentro ng Vancouver, BC, ay idinisenyong tatagal nang 12 linggo para bigyan ka ng naka-focus at nakakaengganyong experience sa pag-aaral. Dalawang beses kada linggo ang mga klase, kung saan tatagal nang isang oras at kalahati ang bawat session. Sa format na ito, matitiyak ang produktibong experience sa pag-aaral nang hindi sinisiksik ang schedule mo.
Samahan kami para sa mga praktikal at well-paced na lesson na talagang swak sa routine mo.
Read more
Idinisenyo ang beginner na level para sa mga mag-aaral na kaunti lang ang exposure sa Ingles. Dito, ipapakilala ang mahahalagang salita at istruktura para tulungan ang mga mag-aaral na humarap sa mga pang-araw-araw na sitwasyon at pataasin ang kanilang kumpyansa sa paggamit sa wika.
Read morePinupunan ng elementary na level ang kakulangan sa pagitan ng mga basic at intermediate na kakayahan sa wika. Nagkakaroon ang mga mag-aaral ng kakayahan sa mas mahahabang usapan at maipahayag ang kanilang mga saloobin sa mga pamilyar na paksa.
Read moreSa intermediate na level, palalalimin ang pundasyon ng mga naunang level at naglalayon itong bigyan ang mga mag-aaral ng mga kakayahan sa wika para makalahok sila sa mga diskusyon, maipahayag nila ang kanilang mga opinyon, at maunawaan nila ang mga mas kumplikadong pasulat o pasalitang teksto.
Read moreNakatuon ang mas mataas na intermediate na level sa pag-abot sa mataas na antas ng husay kung saan magkakaroon ng kakayahan ang mga mag-aaral na sumali sa mga diskusyon, debate, at presentation sa iba’t ibang paksa, pamilyar man sila o hindi.
Read moreLayunin ng advanced na level na pinuhin ang mga kakayahan sa wika para magkaroon ng halos native na fluency, na magbibigay-daan sa mga mag-aaral na lumahok sa mga advanced na pang-akademikong diskusyon at makapagpahayag ng mga kumplikadong ideya sa epektibong paraan.
Read moreIdinisenyo ang proficiency na level para hubugin ang mga kakayahan sa wika patungo sa advanced at halos native na level, na magbibigay ng kakayahan sa mga estudyante na makipag-usap nang may sopistikasyon at katumpakan.
Read more